Elbi till thursday/friday.
Namiss ko na kumain ng proven.
Namiss ko na kumain ng proven.
Hindi na ako masyadong nakapag-post sa dami ng ginagawa/gala. Hehe. Bukas tutungo pa kami ng Tarlac ni Karole para bisitahin ang mga lolo at lola niya. Magaganap na rin siguro ang unang dalaw niya sa puntod ng mama niya. Babawi nalang ako sa tumblr pagbalik namin ng Tarlac. Pramis!
Ciao~


Nirerekomenda naming dalawa ni Karole tong pelikulang to. Sulit ang bayad. :)
04/14/12 Dinner at Red Ribbon, SM Bicutan.
Karolene’s Birthday.
Bale yan ang mga naihanda ni Karole nung birthday niya nung April 12. Alas nuwebe na ng kami ay bumangon. Sakto lang gising namin kasi magluluto pa si Karole ng spaghetii para sa mga bisita niya nung araw na yun. Bale tumulong nalang ako sa paghiwa ng kung ano-ano at nag-focus na si Karole sa pagluto ng sauce ng pasta niya. Yung cake naman eh nabili ko na nung isang araw sa elbi. Ang pinaka-kilalang chocolate cake ng elbi.
Mga saktong alas dose, nakaluto na kami. Sakto din ang dating ng mga kaklase niya. Oo, hindi siya pumasok nung araw na yun. Birthday naman niya eh. HAHA. Pagkatapos kumain ng mga kaklase niya, tumambay lang din sila ng mga isang oras at umalis narin para pumasok uli.
Mga bandang alas tres naman dumating yung lola niya na may dalang isang bilao ng California Maki at mga sushi. Oh yes. Ang sarap. Mga alas singko ng hapon eh umuwi narin yung lola niya. Sakto nakisabay na kami sa sasakyan kasi yung araw din na yun ang iskedyul ng mga turok ng mga aso namin Karole. Diretso kami sa vet clinic. Pagkatapos nun, umuwi rin kami agad kasi parating narin yung mga huling bisita niya na sila Stan at Christian. Kain kain uli. Kwentuhan. Gitara. Tapos inuman hanggang umaga. Hell yeah. Nakaka-miss ang alak. Sobra.
Para saming dalawa ni Karole, normal na samin yung mga ginawa namin nung araw na yun. Nagluluto. Pupunta ng mall dala ang mga aso. Tambay at inuman kasama ang tropa niya. Pero nah. Special yun kasi unang kaarawan niyang nakasama ko siya.
_______________
Maraming tayong mga problema nung araw na yun. Pero pilit parin nating isinantabi. Dapat lang. Isang beses lang mag-birthday sa isang taon. I just hope napasaya kita nung araw na yun. Nakita ko namang kontento ka. Nakita ko naman yung mga genuine mong mga ngiti. I love you karolene. Sa susunod na birthday mo na sa susunod na taon, iibahin natin ang pag-celebrate. Pangako yan.
Antagal ko narin palang di nakapag-post dito. Mga ilang araw din. Medyo busy din kasi kami lately. Andami naming pinagdaanan. Dumaan na din ang kaarawan niya nung ika-labindalawang ng Abril. Anyway, andito kami ngayon sa bahay namin sa Bacoor. Debut kasi ng pinsan ko bukas kaya dito na kami mag-stay ngayon gabi. Sakto lang para makapag-relax kami. Sa totoo lang, kailanga namin pareho ‘to. Ang malayo sa tunay na ikot ng mundo. Bago pumunta dito, dumaan muna kami ng festival mall sa alabang para makapamili ng kung ano-ano. Isa yang hawak na stuff toy ni Karole. Siya nga pala si Baby Bryan. Yan daw ang gagawin niyang voodoo doll sa tuwing magagalit/mag-aaway kaming dalawa. Kawawa naman ako. HAHA. Kahit panahon na ng tag-init, hindi parin ganun kaalinsangan dito samin. Kayo kamusta ang summer niyo?
Sa isang online game kami nagkakilala. Bakit mo tinatanong?
My mom just got home. Well, she was surprised because she didn’t expect that I’m home. She said that she missed me and gave me a kiss on my right cheek. Well, that’s something new.
Even though I hate you for many reasons, I still love you mom.
Matapos ihatid sa bukana ng SM Bicutan sila karole at ang kanyang kasambahay sa bahay na si Ate nane, mga bandang alas sais na ako nakasakay ng dyip papuntang alabang. Pagbaba ng alabang, nakasakay din ako agad ng bus na patungo ng laguna. Smooth naman ang byahe sa slex kaso naputakte lang nung pumasok na ng Mayapa exit. Sobrang traffic at ansakit sa ulo. Hindi pa naman airconditioned na bus ang nasakyan ko. Oh well, plinano ko pa naman dumaan ng SM calamba para malibot saglit kasi may hinahanap ako pero baaahh.. dinagdagan ko nalang ang bayad ko sa kundoktor at dumiretso na ako ng elbi. Tapos isang pang nakakainis na bagay ang nangyari. Nasakto pa namang paubos na ang diesel ng sinasakyan kong bus kaya dumaan muna sa gasoline station sa bandang boundary ng calamba at LB. Alam mo yung uwing-uwi ka na kasi ansakit na sa ulo ng byahe. Buti nalang at nkipagkulitan nalang ako sa text kay Karole at medyo di ko narin naramdaman ang stress sa byahe. Pagdating ko ng bahay, nakita ko yung kapitbahay namin. Lumapit ako para kulitin yung dala niyang tuta. HAHA Pampawala ng stress.

Askal lang ata to. Pero ang cute eh kasi tuta palang. Tapos botsog pa. HAHA
Andito uli ako sa asotea namin, ang laging tambayan sa gabi. Kausap si karole sa phone at ka-chat din tatay ko na nasa boundary ng malaysia at singapore ngayon. Buti nalang at medyo malamig-lamig naman dito tuwing gabi.
O siya, Tamang kwento lang.
______________
How I wish nandito ka ngayon at kasama sana kita. Pagtalikod ko kanina nung naghiwalay na tayo eh namiss agad kita pero wala naman ako magagawa. I need to suck it up. There are things that I need to do. Wish me luck tomorrow. I love you and I miss you always Karolene. Tapusin na natin ang Vampire diaries pagbalik ko diyan. Ahihi :”>
When you look into it, really look into it, you’ll realize that relationships aren’t about having a date on Valentine’s day nor about the hot makeup sex nor a Facebook status. It’s not a walk in the park. It’s a 10-mile marathon during a thunderstorm — extremely dangerous, and a feat that only madmen would dare to conquer. It’s about having this one person who laughs about how screwed up your past relationships are, while holding your hand, while saying “You’re going to be okay now”.
One of the biggest reason why relationships do not work out in the long run is because at one point, one side (or both) stops trying. Before one claims another person as their significant other, they would do anything to make that person happy. They would chase, they would flirt, they would be charming. They would send daily morning and goodnight texts every time you wake up or go to sleep. They would write corny messages and pick up lines just to make sure that there is a smile upon your face. But once they claim you as theirs, all of those things eventually stop. The 5 page texts slowly turn into 1. The constant calls turn into not calling at all. And the lovely endearments turn into daily arguments. In order for a relationship to work, don’t ever stop chasing. Just because the person you want is now consider “yours”, it does not mean they deserve anything less than the time when you’re trying to win them over.
Even though you’re mine already, I’ll continue on chasing you.
Sa tumal ng araw, napagpasyahan naming ilakad yung dalawa naming aso, Si Kimchi at si Nacho. Pumunta lang naman kami sa simbahan sa kabilang village. Mga 30-minute walk kung tutuusin pero sakto lang. Aliw na aliw naman kami sa mala-kunehong pagtakbo ni Nacho (akshali, unang beses namin siyang i-gala kanina na hinayaan naming tumakbo kasi nakabili naman kami nung isang linggo ng tali pang tuta). Pagdating sa simbahan, pumasok sa loob Karole at sakto lang ipinahinga ko muna yung dalawang aso sa labas at nagpahangin na din. Napagpasiyahan na din naming umuwi matapos makapahinga ang mga aso pero takte lang. Sa pagod ni Nacho nung papunta palang kami, pag papalakarin namin eh di na siya gumagalaw. Aba, ang bisyo lang. Kaya binuhat nalang siya ni Karole pauwi. HAHA. Oh well, sakto nalang din na ehersisyo para samin ni Mahal. Ahihi.
Mga nahalungkat ko kahapon sa mga photo album niya. 18th birthday.
Habang tinigtignan ko bawat litrato sa loob ng photo album na yun, nasa isip ko na sana magkakilala na kami nun. Kahit siguro hindi pa man kami, basta nandun na ako ng mga oras na yun sa mga importanteng chapter ng buhay niya. Hmm pero okay narin siguro kahit papano. Makakasama naman na niya ako sa mga darating pang pahina ng buhay niya. Hehe
04/03/12
Araw ng martes, alas nuwebe na kami nakabangon ni Karole. Dapat mas maaga sana kami gigising para makapunta ng maaga sa elbi pero di kaya eh, masyadong masarap matulog. Pagkabangon, kumain muna kami at pinakain na din namin yung mga aso namin. Hindi na namin sila nadala sa elbi kasi maghapon lang din naman kami dun. Uuwi din kami kinagabihan. Alas diyes y medya ng kami ay maka-alis ng bahay. Sumakay na kami ng taxi papuntang Alabang para makahabol sa Graduation ceremony ng aking bunsong kapatid na si Kjiel. 12:30 kasi yun mag-uumpisa. LOL. Mga 1 na ata kami nakarating sa D.L. umali auditorium. Sakto lang kasi late din naman nag-umpisa yung pag-martsa nila. Mga alas-kwatro na ata natapos. Matapos nun umuwi na kami para makapagpahinga at kumain para kaunting handa. Nakipagkwentuhan at nakipag-bonding muna kaming dalawa ni Karole sa pamilya ko. Pagsapit ng mga ala-sais, naisipan naming mag-dinner sa kung saan man. Bale kaming lima nila Karole, kuya ko, si Kjiel at yung boypren ng kuya ko. Hinintay muna namin yung boypren ng kuya ko na si Michael kasi galing pa yun sa trabaho. Binalak naming kumain sa eat-su-mo pero epic fail kasi sarado. Kaya sabi ko, sa Auntie Pearl’s nalang kami. Burgers, hotdogs, ravioli, nacho’s at fries. Yan lang naman ang kinain namin. Mga alas nuwebe na ata kami umuwi ulit kasi napahaba pa kwentuhan namin. Sabi ni Karole, bukas na daw kami umuwi pero sabi ko, hindi pwede kasi nag-iintay yung mga aso. Kawawa naman at di pa nakain sa buong araw. HAHA. Kaya pagdating ng bahay, kinuha ko na mga gamit namin at sumakay na ng dyip paputnang calamba para makahabol sa last trip ng bus papuntang alabang. Mga pasado alas onse na kami nakarating ng Better Living. Pagkauwi, pinakain na namin mga aso at dumiretso na sa pagtulog. Nakakapagod pero masaya naman at sulit ang paguwi namin ng elbi.
Nacho, y u so cute?

Load More
James. 21. Bs Economics - UPLB. In love w/ Karolene.